Pope Francis, kinondena ang pamamaril sa Orlando, Florida
Naglabas na ng pahayag si Pope Francis tungkol sa pamamaril sa isang gay nightclub sa Orlando, Florida kung saan hindi bababa sa 50 katao ang nasawi habang nasa 53 ang sugatan.
Ipinahayag ni Pope Francis ang kaniyang pangingilabot at pag-kondena sa pangyayari.
Ayon kay Vatican spokesman Rev. Federico Lombardi, kinokondena ni Pope Francis ang naturang “homicidal folly and senseless hatred.”
Kaisa aniya si Pope Francis sa pagdarasal at pagbibigay malasakit sa mga biktima at sa kanilang mga kaibigan at kaanak dahil sa pangyayari.
Samantala, daan-daang residente naman ang sumugod at pumila sa isang ospital para makabag-donate ng dugo para sa mga biktimang nasugatan lalo na ang mga kritikal ang kalagayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.