Top 12 priority bills tinukoy sa LEDAC meeting

By Jan Escosio February 14, 2023 - 12:51 PM

 

 

Nagpulong ang Legislative Executive Development Authority Council (LEDAC) sa pangunguna ni Executive Secretary  Lucas Bersamin at natukoy ang Top 12 priority bills.

Kasama sa pulong ang mga pamunuan ng Senado at Kamara, economic managers, maging si Environment Sec. Marie Antonia Loyzaga.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, sa pulong ay natukoy ang panukalang batas na prayoridad ng dalawang kapulungan ng Kongreso ngayon taon.
  Kabilang ang pag-amyenda sa Build, Operate, Transfer Law / PPP Bill, ang mga panukalang Medical Reserve Corps, pagpapatayo ng Philippine  Center for Disease Prevention and Control, pagbuo sa   Virology Institution of the Philippines, ang Mandatory ROTC at NSTP, at condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries.   Gayundin ang Internet Transactions Act/E-Commerce Law, Maharlika Investment Fund bill, Attrition Law / AFP fixed-term,  Salt Industry Development Bill, National Employment Action Plan at  RCEP.   Bukod sa mga ito, sinabi ni Villanueva na naidagdag bilang second priority measures ang panukalang amyenda sa agricultural smuggling law, at ease of paying taxes bill.   Dagdag pa ng senador, maaring bago ang pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., sa Hulyo, dalawa o tatlo sa mga priority bills ang maipapasa ng Kongreso.

TAGS: DENR, ledac, news, Radyo Inquirer, DENR, ledac, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.