1.5 milyong papasok sa Senior High School program, simula na ngayon

 

Niño Jesus Orbeta/Inquirer

Inaasahang aabot sa 25 milyon mga estudyante ang dadagsa sa iba’t-ibang pampublikong paaralan ngayong araw, Lunes sa pagsisimula ng pasukan.

Sa naturang bilang , nasa 1.5 milyon ang papasok sa kauna-unahang pagkakataon bilang mga pioneer students ng Senior High School (SHS) bilang bahagi ng implementasyon ng K to 12 education reform program ng bansa.

Gayunman, sa nasabing bilang, nasa kalahati lamang nito ang aktuwal ng nagparehistro o nagpa-enroll.

Dahil dito, nangangamba ang ilang grupo na dahil sa Senior High School program, lalo lamang dadami ang bilang ng mga out-of-school youth o mga dropout sa paaralan.

As of 4:00 PM ng hapon, Linggo, nasa 600,000 estudyante ang nag-enroll online sa SHS program.

Gayunman, nilinaw ni Education Assistant Secretary Jesus Mateo, mabagal lamang ang transmission ng data mula sa mga public schools kaya’t hindi pa kumpleto ang listahan ng mga enrollees.

Samantala, ayon sa grupong Kabataan, ipinapakita lamang ng mababang bilang ng enrollees na pahirap sa mga magulang ang dagdag na dalawang taon ng pag-aaral sa mga ordinaryong magulang.

Read more...