P202.5 milyong halaga ng agri-fishery products nakumpiska ng DA at MICP
Aabot sa P202.5 milyong halaga ng smiggled na agri-fishery products ang nakumpiska ng Department of Agriculture at Manila International Container Port (MICP)
Ayon sa ulat ng DA, pagtalima ito sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bantayan ang kapakanan ng mga mangingisda at magsasaka sa bansa.
Nabatid na ang nakumpiskang P202.5 milyong halaga na agri-fishery products noong Enero ay nakalagay sa 24 na container vans at naka-consign sa Astersenmed Incorporated at Seaster Consumer Goods Trading Incorporated.
Nakumpiska ang mga kargamento sa magkahiwalay na operasyon sa MICP.
Mula sa 24 na container vans, siyam ang naka-consign sa Seaster Consumer Goods na naglalaman ng red at white onions na nagkakahalaga ng P77.8 milyon.
Pag-aari naman ng Astersenmed ang natitirang mga kontrabando.
Nabatid na galing ng Hongkong, China ang mga kontrabando at walang kaukulang Sanitary at Phytosanitary Import Clearance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.