Love at the Park binuksan ng Taguig LGU
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Kasabay ng pagselebra ng Araw ng mga Puso, muling binuksan ng pamahalaang-lungsod ng Taguig ang TLC bilang Love at the Park.
Ayon kay Mayor Lani Cayetano kaibig-ibig para sa romantic date night ang parke dahul sa halos isang milyong energy-efficient light bulbs.
Bukod dito aniya tampok sa parke ang lit-up big love art installations tulad ng Wall of Roses, isang heart tunnel at pink at red dandelions.
Ikasasaya din ng mga Taguigueños ang Aqua Luna Lights and Sounds Show, samantalang kagigiliwan din ang Path of Flowers ng cherry blossoms at maari din maglakad sa boardwalks ng floating nipa hut sa Mercado de Lago.
Bukas ang TLC Village sa Lakeshore Laguna Lake Highway sa Barangay Lower Bicutan simula bukas, Pebrero 14 hanggang Pebrero 26 mula ala-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Ang lugar ang kinatampukan ng Christmas by the Lake noong nagdaang Kapaskuhan.
Pinanngunahan nina Cayetano at Sen. Alan Peter Cayetano ang ‘love park’ sa lungsod.