Weekly average COVID 19 cases sa bansa, tumaas

By Jan Escosio February 13, 2023 - 07:31 PM

Mula Pebrero 6 hanggang 12, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,101 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Mas mataas ito ng siyam na porsiyento kumpara sa sinundan na anim na araw, Enero 30 hanggang Pebrero 5.

Bunga nito, ang daily average ng bagong kaso ay uamkyat sa 157.

Nabatid na sa mga bagong kaso, dalawa ang malubha at kritikal.

Bukod dito, nadagdagan ng 98 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit at ito ay noong Enero 30 hanggang Pebrero 12.

Hanggang kahapon, Enero 12, may 426 pasyente ang malubha at kritikal sa mga ospital.

TAGS: COVID-19, critical, doh, severe, COVID-19, critical, doh, severe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.