P50-K na buwanang sweldo ng mga pulis, imumungkahi

By Kathleen Betina Aenlle June 13, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Ibinunyag ni Sen. Alan Peter Cayetano na pinag-aaralan ng ng papasok na Duterte administration an panukalang taasan ang sahod ng mga pulis.

Ayon kay Cayetano, nag-mungkahi na siya kina incoming President Rodrigo Duterte at sa susunod na Philippine National Police chief Ronald dela Rosa kung paano ito maisasakatuparan.

Aniya sa unang taon ay mangangailangan ng kabuuang P70 billion upang mapondohan ang taas-sahod sa mga pulis.

P50 billion ang ilalaan para sa dagdag sahod, habang ang P20 billion naman ay para sa retirement fund.

Paliwanag niya, kung magkakaroon ng P50 billion, kaya nitong mabigyan ng minimum na P50,000 na sweldo ang mga pulis, at kaya naman aniya itong gawin dahil mayroon namang pera.

Ani pa Cayetano, bukod sa pondo, mangangailangan ito siyempre ng suporta mula sa parehong kapulungan ng Kongreso.

Ipinanukala ito ni Cayetano dahil ayon sa kaniya, nasa P30,000 na ang cost of living sa Metro Manila, gayong ang pinakamababang ranggo ng pulis ay sumusweldo lamang ng nasa P15,000 kada buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.