Bigtime price rollback sa krudo, kerosene

 

Matatapyasan ng P2.20 ang halaga ng kada litro ng krudo ng Seaoil at Petro Gazz simula bukas, Pebrero 14.

Ang Seaoil nag-anunsiyo ng P2.50 tapyas sa kada litro ng kanilang kerosene.

Hindi naman magbabago ang halaga ng gasolina.

Base sa monitoring ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Pebrero 7, P5.10 ang nadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.05 sa diesel at P2.25 sa kerosene.

Inaasahan na susunod sa hakbang ang iba pang mga kompaniya ng langis.

 

 

 

 

Read more...