Pangulong Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos may balak na sa Valentine’s Day

By Chona Yu February 13, 2023 - 11:21 AM

 

May balak na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ipagdiwang ang Valentine’s Day sa Pebrero 14 kasama ang may bahay na si First Lady Louise Araneta-Marcos.

Gayunman, hindi tinukoy ng Pangulo kung anong partikular na aktibidad ang gagawin sa araw ng mga puso.

Sa panayam kay Pangulong Marcos kahapon habang nasa biyahe mula Japan pauwi ng Pilipinas, sinabi nito na napakabilis ng panahon at araw na naman ng mga puso.

“Good thing you reminded me. I have to do something. Oo nga Valentine’s Day na naman. Aba ang bilis ng panahon. Oh, gosh. Do I have any plans? I do now,” pahayag ng Pangulo.

Sa limang araw na working visit ng Pangulo sa Japan, nagkaroon ng kaunting oras ang punong ehekutibo na mamasyal.

“Very little. Yeah, there was little time to see, to go outside Tokyo pero sandali lang masyado. We had to go back kaagad. Ganoon naman talaga ‘yan. Hindi naman ‘to – hindi naman ‘to bakasyon eh. We came here to finish very many specific things. And that’s more importantly than my making nakagala, pagala-gala doon sa Japan – more importantly na nagawa talaga natin lahat nung kailangan nating gawin,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, sumakay siya ng tren patungo sa Nagano City kasama ang ilang kaibigan.

 

TAGS: bongbong marcos, Liza Marcos, news, Radyo Inquirer, valentine's day, bongbong marcos, Liza Marcos, news, Radyo Inquirer, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.