Philippine Coast Guard vessel ‘binulag’ ng Chinese Coast Guard gamit ang laser light
By Jan Escosio February 13, 2023 - 11:32 AM
Sa pinakabagong insidente sa West Philippine Sea, ginamitan na ng military-grade laser light ang isang barko ng Philippine Coast Guard ng Chinese Coast Guard.
Sa ulat, nangyari ang insidente noong Pebrero 6 at kinasasangkutan ng BRP Malapascua (MRRV 4403) at isang barko ng Chinese Coast Guard na may bow number 5205.
Sumusuporta ang PCG vessel sa ‘rotation and resupply’ mission ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.
Nabatid na nang may 10mm na lamang ang layo ng BRP Malapascua sa Ayungin Shoal, bigla na lamang ginamit ng CCG ang laser light na nagdulot ng pansamantalang pagkabulag ng PCG personnel.
Nagsagawa din ng ‘dangerous maneuvers’ ang CCG vessel at lumapit ng 150 yarda sa BRP Malapascua.
Umiwas na lamang ang PCG vessel at nagtungo sa Lawak Island para suportahan pa rin ang BRP Teresa Magbanua ng Philippine Navy.
Napansin din na inalis ang takip ng 70mm naval armament ng CCG nang palapit na ang BRP Teresa Magbanua sa Ayungin Shoal.
Tumulong pa ang dalawang Chinese Maritime Militia vessels para pigilan ang re-spply sa BRP Sierra Madre.
“In this particular mission, it was evident that the CMM vessels took orders from the CCG to prevent the Philippine ships from entering the shoal. The CMM even deployed their utility boats to support the blockade and shadowing by the CCG,” pahayag ng PCG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.