Tripartite agreement ng Pilipinas, Amerika at Japan, konsepto pa lang

 

Konsepto pa lamang ang ikinakasang tripartite agreement sa pagitan ng Pilipinas, Japan at Amerika.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., konsepto pa lamang ang naturang ideya sa dalawang kaalyadong bansa.

“Well, it’s just a question of agreeing because we really haven’t talked about it in detail. It’s just been a proposal. Mayroon – while there is the equivalent of VFA for the Japanese, there is another proposal from the Japanese on a US-Japan-Philippines tripartite agreement. Iyon bago ‘yun,” pahayag ng Pangulo.

Sabi ng Pangulo, wala pang detalye sa binubuong tripartite agreement.

“So siguro sometime down the road we will sit down with our Japanese counterparts and American counterparts at tingnan talaga natin what is it really that they want. We don’t as I said – it’s only been proposed in principle and that’s as far as it goes so far,” pahayag ng Pangulo.

 

Kailangan muna ayon sa Pangulo na busisiin ang detalye.

 

Kung tutuusin ayon sa Pangulo, in principle pa lamang ang tripartite agreement.

 

Nagtungo sa Japan si Pangulong Marcos para sa limang araw na working visit.


Napagkasunduan nina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin pa ang depensa ng dalawang bansa.

 

Read more...