Pangulong Marcos balak magpadala ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Syria

By Chona Yu February 13, 2023 - 07:57 AM
Hinahanapan na ng paraan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makapag padala ng tulong ang Pilipinas sa Syria na tinamaan ng 7.8 magnitude na lindol. Umaasa ang Pangulo na may maibibigay na tulong ang Pilipinas sa Syria. Sa pinakahuling talaan, umabot na sa mahigit 24000 ang nasawi sa lindol sa Syria at Turkey. “Now I’m trying to find a way kasi hindi lang naman Turkey ang tinamaan, Syria pati. Alam naman natin ang kalagayan sa Syria, hindi napakaganda. So I’m hoping that we’ll be able to do something to help them also,” pahayag ni Pangulong Marcos. https://twitter.com/chonayu1/status/1624974174891683842?s=20&t=aDJQMo4vpFF5d7Ni8oy4Dw Una nang nagpadala ng 85-man team ang Pilipinas sa Turkey. Binubuo ang team ng mga engineer at mga health professionals na tutulong sa mga biktima ng lindol. “The other thing is I’ve been receiving reports from our team in Turkey. Napakabigat ng pangyayari. Maramii na silang natulungan. They set up already a hospital at marami nang dumaan, marami na silang na-rescue, but we’ll still keep going on,” pahayag ng Pangulo. Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa lawak ng pinsala ng lindol.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., lindol, news, Pilipinas, Radyo Inquirer, syria, tulong, Turkey, Ferdinand Marcos Jr., lindol, news, Pilipinas, Radyo Inquirer, syria, tulong, Turkey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.