Sinigurado ni Senator Robinhood Padilla na tanging mga probisyon lamang ukol sa ekonomiya ang nais niyang maamyendahan sa Saligang Batas. Aniya sa kanyang hinihiling na pag-amyenda sa Konstitusyon ay walang anuman na may kinalaman sa pulitika, partikular na ang pagpapalawig ng termino o pagbabago sa porma ng gobyerno. Ginawa ito ni Padilla matapos maglabas ng kanya-kanyang opinyon at suhestiyon ang ilan sa mga kapwa senador. Paliwanag pa ng baguhang senador bagamat inamyendahan ang Public Service Act at Trade Liberalization Act, nagdadalawang-isip pa rin ang mga banyagang mamumuhunan na mag-negosyo sa bansa dahil sa ilang probisyon sa Konstitusyon. Dagdag pa niya, may mga kuwestiyon din kung ayon talaga sa Saligang Batas at Public Service Act. Sa inihain niyang resolusyon, nais ni Padilla na idaan sa pamamagitan ng Constituent Assembly o Con-Ass ang pag-amyenda sa Saligang Batas at hiwalay ang pagboto ng mga senador at kongresista.