Tokyo, Japan—Nasa P4.4 bilyong investment ang ilalagak na negosyo ng kompanyang Toyota sa Pilipinas.
Sa panayam ng Philippine Media Delagation, sinabi ni Atsuhiro Okamoto, presidente ng Toyota Motor Philippines Corporation, ibubuhos ang naturang pondo sa Santa Rosa, Laguna.
Isa sa mga plano ng Toyota ay buhaying muli ang sikat na modelo na Toyota Tamaraw.
Sinabi pa Okamoto na pinag-aaralan din nila na gumawa ng electric vehicle ng Toyota Tamaraw lalo’t ito na ang bagong direksyon ngayon ng mga sasakyan.
Ayon kay Okamoto may kombinasyon ng bago at lumang estilo ng Tamaraw ang gagawin ng Toyota.
Hindi naman tinukoy ni Okamoto kung kailan magiging available sa merkado ang Tamaraw.
Tiniyak ni Okamoto na gaya ng dati, pang-pamilya at abot kaya ang Tamaraw. Isa lamang ang Toyota sa daan-daang kompanya na nahimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbuhos ng mas malaking investment sa Pilipinas. Nasa Japan ngayon si Pangulong Marcos para sa limang araw na working visit.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.