Nailikas ng Philippine rescue contigent ang apat na pamilyang Filipino mula sa lungsod ng Gaziantep sa Turkiye.
Ayon sa Philippine Embassy in Turkiye nadala na sa isang center sa kapitolyo ng Ankara ang mga pamilya.
Sa pahayag ng embahada may mga Filipino na piniling manatili sa kanilang bahay at inalok na lamang sila ng relief goods.
“However, among these Filipinos in Gaziantep who chose to stay, some kindly suggested that the Embassy give their share of the relief goods to those who need them the most. They said their situation was good and safe,” pahayag pa ng embahada.
Pinasalamatan din ang mga komunidad ng Filipino sa Ankara, Istanbul at iba pang lugar na patuloy na nagbabahagi ng tulong sa kanilang mga kababayan.
MOST READ
LATEST STORIES