Sundalo nag-amok sa kampo, pumatay ng apat

By Jan Escosio February 11, 2023 - 04:14 PM

ARMY 4TH ID PHOTO

Pinagbabaril ng isang sundalo ang ilang kapwa sundalo sa loob ng Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.

Ayon kay Maj. Francisco Garello Jt., tagapagsalita ng Army 4th Infantry Division, nangyari ang insidente ala-1:10 sa barracks ng Service Support Battalion.

Nabatid na pinagbabaril ng nagwalang sundalo ang apat na natutulog na kasamahan gamit ang M-16 rifle.

Lumipat ito sa kabilang barracks ngunit inaabangan na siya ng dalawang sundalo, na tinangkang agawin sa kanya ang baril hanggang maging siya ay mapatay.

May ilan pang sundalo ang nasaktan sa insidente.

Hindi na muna kinilala ang mga biktima, maging ang suspek, dahil kailangan munang ipaalam sa kanilang pamilya ang nangyari.

Inaalam na rin kung ano ang nagtulak sa suspek para magwala.

 

 

 

 

TAGS: Amok, Army, Amok, Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.