SWS: 57% ng Filipino very happy sa lovelife

By Jan Escosio February 11, 2023 - 12:32 PM

Halos anim sa bawat 10 Filipino ang masaya sa kanilang buhay pag-ibig, base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey.

Base sa survey na isinagawa noong nakaraang Disyembre 10 hanggang 14, 57 porsiyento sa 1,200 adult respondents ang nagsabi na sila ay ‘very happy’ sa kanilang lovelife.

May 25 porsiyento naman ang sumagot na maaring mas masaya pa sila at 17 porsiyento naman ang walang ‘love life.’

Bukod dito, may 33 porsiyento ang sumagot na nagtapat sila ng pag-ibig sa kaibigan at 50 porsiyento ang nabasted.

Sa mga nagtapat ng pagmamahal sa kaibigan, 40 porsiyento ay lalaki, samantalang 25 porsiyento ang babae.

May tatlo sa bawat 10 Filipino naman ang nagsabi na nakaranas na sila ng kabiguan sa pagtatapat ng pag-ibig.

Inilabas ang resulta ng survey ilang araw bago ang pagselebra sa Araw ng mga Puso, Pebrero 14, sa darating na Martes.

TAGS: 'single', lovelife, valentine's day, very happy, 'single', lovelife, valentine's day, very happy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.