Japanese financial exec interesado sa Ph Maharlika Investment Fund
Tokyo, Japan-Isang high-ranking Japanese financial executive dito ang nagpahayag ng suporta sa Maharlika Investment Fund na isinusulong ni Pangulong Marcos Jr.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, interesado ang naturang opisyal na maglagay ng negosyo sa sektor ng enerhiya sa bansa.
Aniya nakausap niya ang naturang opisyal sa unang gabi ng pagdating ni Pangulong Marcos sa Tokyo sa dinner ng Philippine delegation na inorganisa ng Mitsui at Metro Pacific Investment Corporation.
“It was during our conversation that he expressed strong interest (in the Maharlika Investment Fund) and in the possibility of investment in the proposed sovereign wealth fund, particularly for the power sector,” pahayag ni Romualdez
Pagbabahagi ni Romualdez, ang naturang senior financial official ang siya ring tumulong sa pagtatatag sa Indonesia Investment Authority, nagumpisa sa $5 billion initial funding at ngayon ay lumobo na sa $20 billion na may mga co-investments na mula sa foreign parties.
Tiwala aniya ang negosyanteng Japanese l na malalagpasan pa ng Maharlika Fund ang Indonesia.
“So that’s very good, that we’re getting support (for the Maharlika Investment Fund),” pahayag ni Romualdez.
Lumusot na ang panukalang-batas sa Kamara, ngunit dinidinig pa lamang sa Senado.
Kumpiyansa si Romualdez na agad din makakalusot sa Senado ang MIF bills.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.