Sa Florida mass shooting: “Act of terror and hate” – Obama

 

 

“Act of terror and an act of hate.”

Ganito inilarawan ni US President Barack Obama sa kaniyang pahayag ang naganap na mass shooting sa isang gay nightclub sa Orlando.

Ayon kay Obama, base sa imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation (FBI), isa itong act of terror, pero bukod dito, malinaw rin aniya na puno ng galit ang nasa likod ng karahasang ito.

Ang nasabing mass shooting ay itinuturing na pinakamalala sa buong kasaysayan ng Amerika, kung saan 50 ang nasawi, habang 53 naman ang sugatan.

Ani pa Obama, nararamdaman niyang masakit ang pangyayaring ito lalo na sa lesbian, gay, bisexual, transgender community.

Iniutos ni Obama na i-half mast ang lahat ng mga watawat ng Amerika bilang pag-alala sa mga nasawi sa insidente.

Samantala, nag-alay naman ng dasal at pakikiramay si Vice President Joe Biden sa lahat ng mga biktima, pati na sa kanilang mga pamilya at kaibigan.

Read more...