Tatlong bagong subway, balak itayo sa Manila at Cavite
Tokyo, Japan–Tatlong bagong subway ang balak na itayo ng Department of Transportation at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Pilipinas. Sa panayam kay Transportation Secretary Jaime Bautista sa Philippine Business Opportunities Forum sa Tokyo, Japan,.sinabi nito na itatayo ang mga subway sa Manila patungo sa Cavite. Pero paglilinaw ni Bautista, plano pa lang ito at dadaan pa sa feasibility study. https://twitter.com/chonayu1/status/1624033688932749313?s=20&t=VLeZZZrhAQWVXMaBYwfCWA Umaasa si Bautista na malaking tulong ito para ma solusyon ang trapik sa Metro Manila. Nasa Japan si Bautista kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa limang araw na working visit. Layunin ng pagbisita ng Pangulo sa Japan na mahikayat ang mga dayuhang negosyante na maglagak ng negosyo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.