UPDATE: 50 na ang patay sa Orlando gay nightclub shooting

By Jay Dones June 12, 2016 - 11:00 PM

 

AP/Phelan M. Ebenhack

Mula sa 20, itinaas na sa 50 ang bilang ng namatay sa pamamaril sa loob ng isang nightclub sa Florida, USA.

Dahil sa dami ng nasawi at nasugatan , itinuturing na ito na pinakamalalang insidente ng mass shooting sa Estados Unidos ng mga otoridad.

Kabilang sa 50 na nasawi ay ang itinuturong gunman sa insidente na napatay ng mga tauhan ng SWAT nang magsimula itong manghostage  ng mga parukyano ng Pulse nightclub ilang oras makalipas itong makorner ng mga otoridad.

Bukod sa mga namatay, nasa 53 pa ang nasa mga pagamutan sanhi ng insidente.

Sa pagharap ni Orlando, Florida mayor Buddy Dyer sa mga mamamahayag, sinabi nito na nagdeklara na sila ng ‘state of emergency’ kaugnay sa insident upang tumugon sa lawak ng trahedyang idinulot ng krimen.

Samantala, pangungunahan na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang imbestigasyon sa naturang krimen.

Nais na matukoy ng mga otoridad kung ang insidente ay isang uri ng ‘hate crime’ kontra sa LGBT community o isang terror act.

Napag-alaman na nakilala ang suspek na pasimuno ng pamamaril sa pangalang Omar Saddiqui, Mateen, isa umanong security guard na US citizen na may mga magulang na nagmula sa Afghanistan.

Gamit ang isang automatic rifle at isang handgun, nakapasok sa Pulse nightclub ang suspek at nagsimulang namaril dakong alas 2:00 ng madaling-araw oras sa Amerika.

Nang dumating ang mga otoridad, mahigit tatlong oras pang nanghostage ang suspek  ng iba pang mga parukyano ng establisimiyento bago ito napatay ng mga otoridad sa isang rescue operation.

Sa opensiba ng SWAT, isang miyembro nito ang nasugatan makaraang tamaan ng bala ang kanyang suot na kelvar helmet.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.