Umabot na sa 255 na meetings ang naisagawa ng mga negosyante ng Pilipinas at Japan.
Base ito sa ulat kay Pangulong Marcps Jr., ni Trade Sec. Alfredo Pascual.
Ayon sa Pangulo Marcos Jr., nasa 85 namumuno ng mga kompaniya sa Pilipinas ang sumama sa kanya sa Tokyo para makipag-usap sa negosyanteng Hapon.
Bumisita na rin aniya ang mga negosyante sa pasilidad sa Odaiba para obserbahan ang ultra-compact space crafts para sa comet explorations.
Sinabi pa ng Pangulo na layunin ng mga negosyante na matuto ng mga bagong kaalaman sa pagnenegosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.