Limang rebelde patay sa engkuwentro sa Masbate

By Jan Escosio February 10, 2023 - 07:38 PM

ARMY 9TH ID PHOTO

Nalagasan ng limang miyembro ang New People’s Army (NPA) sa pakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno sa Cawayan, Masbate kahapon.

Sinabi ni AFP – Public Affairs Office chief,  Col. Jorry Baclor nangyari ang engkuwentro sa Barangay Guiom in Cawayan habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Army 2nd Infantry Battalion.

Nabatid na nagtungo sa lugar ang mga sundalo nang makatanggap ng impormasyon ukol sa presensiya ng 20 rebelde.

Tumagal ang pagpapalitan ng mga putok ng 20 minuto hanggang sa mapatay ang limang rebelde.

May apat pa ang nahuli, kabilang ang isang sugatan at anim na baril ang narekober.

Wala naman nalagas sa panig ng mga sundalo.

TAGS: Army, Masbate, NPA, Army, Masbate, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.