Tokyo, Japan–Personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr. ang paglagda sa 35 Letters of Intent para sa sektor ng imprastraktura, energy, healthcare, agriculture.
“The government of the Philippines has been working to deepen the confidence in the Philippines of foreign investors and companies,” pahayag ni Pangulong Marcos. Matagal na aniyang isinusulong ng Pilipinas ang tinatawag na “vital and game-changing reforms” para mapaganda ang business environment sa Pilipinas. “And it is our hope that companies such as yours will not only find the Philippines to be an attractive investment destination, we are designing our efforts to encourage you to stay and find our country to be a place where your businesses will thrive,” dagdag ng Pangulo. Nabatid na ang Letters of Intent ay sa pagitan ng Pilipinas at Japan at maging sa ibat ibang business companies. Kabilang na ang sa manufacturing, infrastructure development, energy, transportation, healthcare, renewable energy and business expansion, at iba pa. Nangyari ang lagdaan ng kasunduan matapos ang unang bilateral meeting nina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Prime Minister’s Office sa Tokyo.MOST READ
LATEST STORIES