Mga pangunahing bilihin pinayagan ng DTI na magtaas ng presyo

By Jan Escosio February 09, 2023 - 06:14 PM

Sa kabila ng nairehistrong 8.7 percent inflation rate noong Enero, pinayagan ng Department of Trade and Industry (DTI)  na magtaas ng presyo ang mga pangunahing bilihin.

Kabilang sa magmamahal ang presyo ay sardinas, gatas, 3-1 coffee, noodles, tinapay, detergent soap, de-latang karne, kandila at condiments.

Sa pahayag ng kagawaran, tiniyak na masusing pinag-aralan ang pagpayag sa manufacturers na magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.

“The DTI assures the public that price adjustments were carefully studied and kept to a minimum to ensure that affordable goods are still available in the market,” ayon sa kagawaran.

Kinakailangan din ang pagtaas sa presyon, ayon pa sa DTI, upang manatili ang operasyon ng mga manufacturers dahil sa pagtaas ng presyo ng materyales, mga imported na produkto, gayundin ang transportasyon.

Katuwiran pa ng DTI, anim na buwan na hindi gumalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng pagtaas ng halaga ng produksyon.

 

 

TAGS: basic commodities, dti, price hike, basic commodities, dti, price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.