Nais ni Senator Robinhood Padilla na maamyendahan ang ilang ‘economic provisions’ sa Saligang Batas. Katuwiran ng baguhang senador kailangan nang baguhin ang ilang probisyon para mas makatugon sa mga pangangailangan dala ng panahon. Sa kanyang resolusyon, nais ni Padilla na sa pamamagitan ng Constitueny Assembly o Con Ass idaan ang pag-amyenda sa Saligang Batas. Aniya hiwalay ang mangyayaring pagboto ng mga senador at kongresista. “To accelerate economic growth, and fulfill its international commitment, the Philippines must amend its Constitution by removing these restrictive economic provisions to allow foreign businesses to directly invest in a more conducive landscape,” sabi pa nito. Katuwiran nito, nahuhuli na ngayon ang Pilipinas sa usapin ng paglago ng ekonomiya kumpara sa mga katabing bansa dahil aniya sa ilang probisyon na nagsisilbing hadlang sa pag-unlad ng bansa. Pinamumunuan ni Padilla ang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revisions of Laws.