Lifting o limiting na travel advisories ng Japan, inihirit ni Pangulong Marcos
Tokyo, Japan—Humihirit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Japan na bawiin na ang utos na naglilimita sa mga Japanese na bumiyahe sa mga kilalang lugar na pasyalan sa Pilipinas.
Ginawa ng Pangulo ang apela sa ikalawang araw ng working visit sa Tokyo sa high-level roundtable meeting kasama ang Japanese tourism stakeholders at mga matataas na opisyal ng pamahalaan kasama na si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.
Ayon sa Pangulo, ginawa niya ang apela sa Japan para sumigla ang industriya ng turismo sa bansa na una nang pinadapa dahil sa pandemya sa COVID-19.
“The Philippines and Japan has so much in the pipeline on what we can share and learn with each other. But first and foremost, we note that in order for us to further deepen our nation’s mutual friendship and interest, we must first be open to each other’s people. With this, we are working on lobbying to the Japanese government for the lifting or limiting of its travel advisory against the Philippines’ key travel destinations,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Tinukoy ng Pangulo ang educational tourism sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
“Filipinos are known to be the citizens of the world. Filipinos have a fluency in English that is recognized to be one of our main leverages, one of our main selling points in terms of the educational tourism. It makes it easy for us to work and communicate in other countries. And where else can you better learn English than in the Philippines,” pahayag ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, bukas ang Pilipinas sa mga turistang Japanese.
“As a country that recognizes the linkage of our success to that of our neighbors such as Japan, working together in boosting one’s tourism sector is vital to economic resurgence,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.