Tokyo, Japan—Tiniyak ng Japanese shipping companies na tuloy ang pagkuha nila ng mga Filipino seafarers.
Ginawa ng Japanese shipping companies ang pangako sa ikalawang araw ng working visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tokyo.
Ayon kay Junichiro Ikeda, presidente ng Japanese Shipowners’ Association (JSA) at chairman ng Mitsui OSK Lines, nagpapasalamat ang kanilang hanay kay Pangulong Marcos sa pagsuporta para mapaganda pa ang skills at expertise ng sea-based laborers.
“The Filipino seafarers play a big role. So having all said, Filipino seafarers are essential to Japanese shipping industry. And so we sincerely and strongly hope that there will continue to be a steady supply of professional and well-trained Filipino seafarers to work alongside us,” pahayag ni Ikeda kay Pangulong Marcos.
“We also expect that quality standard of the Filipino seafarers to continue to improve, as the Philippine government continues to work hard to achieve this,” ayon kay Ikeda.
Humingi ng tulong ang JSA kay Pangulong Marcos para sa steady supply ng Filipino seafarers.
Sa panig ni Pangulong Marcos, sinabi nito na ipagpapatuloy niya ang pakikipagtulungan sa Japan para sa highly-skilled Filipino seafarers na kinakailangan ng Japanese maritime companies.
“The JSA has the assurance of the Philippine government that we will continue to work together as a team, as partners, in ensuring that your requirements for more seafarers shall be met because, clearly, you care for them very much and they are in good hands while under your employment,” pahayag ng Pnangulo sa
Nagpapasalamat ang Pangulo sa Japanese shipowners dahil sa pagtatayo ng maritime training schools sa Canlubang, Laguna at Bataan kung saan 1,200 cadets ang nakukuha kada taon.
Ayon sa Pangulo, ang pagkuha ng Filipino cadets ng Japanese shipowners ay pagtitiyak na tuloy ang manpower resource pipeline.
“We welcome and look forward to these training investments from the JSA,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, lumikha na ang Department of Migrant Workers (DMW) ng International Advisory Committee on Global Maritime Affairs kung saan isinusulong ang kapakanan ng mga Filipino seafarers na nagtatrabaho sa domestic at international labor markets.
Sinabi naman ni DMW Secretary Susan Ople na magtatayo ang kanilang hanay ng Japan Desk sa Office of the Secretary para masiguro ang mas mabilis na komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng Japanese shipowners at land-based employers.
Halos 75 porsyento ng crew ng Japanese ocean-going vessels ay mga Filipino seafarers.
Nasa 6,600 na Filipino seafarers ang nai-deploy kada taon sa Japanese Flag of Registry sa nakalipas na 10 taon.