Facebook, nag-sorry sa pagpost ng baligtad na bandila ng Pilipinas ngayong Independence Day
Humingi na ng paumahin ang pamunuan ng social networking site na Facebook dahil sa paggamit ng inverted flag para batiin ang Pilipinas sa 118th Independence Day.
Ayon sa Facebook, unintentional o hindi nila sinasadya ang maling greeting o pag-post ng baligtad na bandila.
Sinabi pa ng Facebook na iniintindi nila ang Philippine community na ipinagdiriwang ngayong June 12 ang Araw ng Kalayaan.
Subalit sa tangka nilang makipag-ugnayan sa mga tao ngayong Independence Day, inako ng Facebook na nagkamali sila.
Nitong umaga, ipinagtaka ng mga netizen kung bakit sa baligtad ang watawat ng Pilipinas sa naipost na pagbati ng Facebook.
May mga natawa, ngunit mayroon ding nanawagan sa Facebook na ipaliwanag ang pagkakamali at itama ang pag-post sa bandila ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.