Mahigit 10,000 trabaho nakuha ni Pangulong Marcos sa Japanese seminconductor firms

By Chona Yu February 09, 2023 - 03:27 PM

 

Tokyo, Japan—Aabot sa mahigit 10,000 trabaho ang nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa Japanese companies na gumagawa ng semiconductors, electronics at wiring harness.

Sa ikalawang araw na working visit ng Pangulo sa Tokyo, Japan, nakipagpulong ang punong ehekubito sa mga matataas na opisyal ng Japanese companies kung saan nasungkit nito ang bilyong pisong halaga ng pagnenegosyo na ilalagak sa Pilipinas.

Sabi ng Pangulo, katuparan ito sa kanyang pangako na makalikha ng trabaho sa bawat Filipino.

Target ng Japanese companies na palawakin pa ang operasyon ng kanilang kompanya sa Pilipinas.

Bukas ay inaasahang lalagdaan na ng Japanese companies ang letter of intent.

Sabi ng Pangulo ang mga de-kalibreng engineers at ang malakas na puwersa ng mga manggagawa ang dahilan kung kaya naakit ang Japanese companies na palakasin pa ang oeprasyon sa Pilipinas.

Dahil na rin aniya sa pagbabago sa automotive industry kung saan marami na ang gumagamit ng electric vehicles, umaasa ang Pangulo na kukunin ng mga Japanese companies ang mga talentadong human resources ng Pilipinas para sa kanilang reaserch at development activities.

Sinabi naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual na 11 kompanya ang kanilang nakapulong.

Ito ay ang mga top executives ng Japan Aviation Electronics Industry, Ltd.; Yazaki Corporation; Yokowo Manufacturing of the Philippines; Sumitomo Electric Industries, Ltd.; Brother Industries, Ltd.; IBIDEN Co., Ltd.; Seiko Epson Corporation; NIDEC-SHIMPO Corporation; and TDK Corporation.

Nabatid na noong 2021, nasa ikaapat na puwesto ang Pilipinas bilang largest exporter ng wiring harnes. Kasunod ng Mexico, China at Romania.

Isa rin ang Pilipinas sa pinakamababang cost producers ng wiring harness sa buong bansa base sa exported value at quantity.

Nagpatuloy ang ganitong trend sa nakalipas na 20 taon kung saan ang exports ng wiring harness mula 2001 hanggang 2021 ay tumaas at nagkaroon ng steady pace na 9% kada taon.

 

 

TAGS: electric, japanese, news, Radyo Inquirer, electric, japanese, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.