Educational tourism sa pagitan ng Japan at Pilipinas palalakasin ni Pangulong Marcos

Tokyo, Japan- Palalakasin pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtataguyod sa educational tourism sa pagitan ng Japan at Pilipinas. Sa roundtable meeting ng Pangulo at tourism stakeholders, inimbitahan ng punong ehekutibo ang mga estudyanteng Japanese na magtungo sa Pilipinas para mag-aral ng English. Espesyal na tutukan ng Pangulo ang exchange of students at professionals sa mga tourism-related institutions. Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng kanyang administrasyon, binago na ang pagtataguyod sa industriya ng turismo. Sa halip kasi na promotion arm ng gobyerno, ginawa na itong tourist destination na layunin na maging convenient, konektado at patas sa mga turista ang Pilipinas “With this in mind, this government has set the direction to harness the development of tourism in key tourism destinations. Through this, we will make sure that hard and soft infrastructure is well-developed, from roads and bridges to medical facilities, clean water supplies, and readily accessible for tourists and locals alike,” pahayag ng Pangulo. Sa unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na isa ang turismo sa mga prayoridad ng administrasyon. Ayon sa Pangulo, bago pa man tumama ang pandemya sa COVID-19, umabot sa 12.9 percent ang naging kontribusyon ng turismo sa  gross domestic product (GDP) ng Pilipinas.. “We are banking on this potential to reshape the industry to be one of the key economic drivers of the country. We are well on our way to recovery, this I assure you, with more than 2.65 million foreign visitors we have welcomed last year, that’s exceeding the initial target of 1.7 million,” dagdag ng Pangulo. Ayon sa Pangulo, mayroong “unique appreciation and preservation of our culture, our traditions, and our heritage” na ugnayan ang Pilipinas at Japan. “Now, this is something we admire and can share with our Japanese friends, whose success in the tourism sector is profoundly etched in one’s cultural identity that has adapted and strengthened over time,” dagdag ng Pangulo. Bukas aniya ang Pilipinas sa mga estudyante na Japanese. As of January 30, nasa ikaanim na puwesto ang Japan na may pinakamataas na foreign visitors sa Pilipinas. “And as a country that recognizes the linkages of our success to that of our neighbors such as Japan, working together in boosting our tourism sector is vital to economic resurgence,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Read more...