30-anyos na kasong katiwalian vs Enrile ipinababasura ng SC

By Jan Escosio February 09, 2023 - 08:19 AM

 

Ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagbasura sa kasong graft na isinampa laban kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.   Tatlong dekada na ang lumipas nang isampa ang kaso laban kay Enrile at ilang negosyante dahil sa diumano’y pagkamkam ng P840.7 million sa coco levy fund.   Ipinababasura din ng Korte Suprema ang mga kaso na isinampa ng Office of the Solicitor General sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa mga negosyanteng sina Jose C. Concepcion, Rolando dela Cuesta, Narciso Pineda at Danilo Ursua dahil sa paglabag sa kanilang karapatan sa mabilis na paglilitis.     Ang mga kasong kriminal nina Eduardo M. Cojuangco Jr., Jose R. Eleazar Jr., Ma. Clara Lobregat at Augusto Ochoa ay ibinasura na rin dahil sa kanilang pagkamatay.   Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando para sa 1st Division at sinang-ayunan nina Associate Justices Rodil V. Zalameda, Mario V. Lopez, Ricardo R. Rosario at Jose Midas P. Marquez.

TAGS: coco levy fund, graft, Juan Ponce Enrile, SC, coco levy fund, graft, Juan Ponce Enrile, SC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.