Pagbusisi sa education system ng bansa nagsimula na – Angara

By Jan Escosio February 09, 2023 - 08:13 AM

Ibinahagi ni Senator Sonny Angara na sinimulan na ng 2nd Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang pagrebisa sa sistemang pang-edukasyon ng bansa.

Ayon kay Angara layon nito na mabigyan solusyon ang mga isyu at proble sa sektor ng edukasyon.

“Over the next three years EDCOM 2 will undertake an exhaustive assessment of our country’s education system. The task at hand is heavy and critical. We currently have a learning crisis and it is precisely because of this that EDCOM 2 was created. We have to come up with reforms and these will be introduced over the course of the next three years,” ani Angara, na isa sa anim na komisyoner ng EDCOM 2.

Aniya noong nakaraang linggo ay nagpulong na ang komisyon upang masimulan ang strategic planning para sa national education assessment.

Nabanggit nito na nakakabahala ang mga nalantad na kahinaan ng mga estudyanteng Filipino base sa mga isinagawang assessments sa kanilang ‘academic performances.’

Sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), pinakamababa ang mga batang Filipino sa reading at pangalawa sa pinakamababa sa Science at Mathematics sa 79 bansa na nakasama sa survey.

Iniulat ng World Bank noong 2021 na 90 porsiyento ng mga batanga Filipino na may edad 10 ang nalugmok sa ‘learning poverty’ dahil sa pandemya.

“The establishment of EDCOM 2 was prompted by these alarming developments and our work in the Commission will take these findings into consideration when we come up with policy and legislative reforms to improve the performance of our education system,” dagdag pa ni Angara.

 

TAGS: EDCOM, education, Filipino Students, EDCOM, education, Filipino Students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.