Jobless Filipinos dumami noong Disyembre 2022 – PSA
Sa pagsasara ng taon 2022, dumami pa ang mga Filipino na walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa kabila ng pagbubukas at pagsigla ng maraming negosyo noong Kapaskuhan, 2.22 milyong Filipino ang walang trabaho noong Disyembre.
Nangangahulugan ito na 4.3 percent ang unemployment rate sa bansa noong huling buwan ng nakaraang taon.
Noong nakaraang Nobyembre ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho ay 2.18 milyon.
Isinalarawan naman ni National Statistician Dennis Mapa na ‘not significant’ ang pagtaas ng bilang.
Nabanggit nito na noong Disyembre 2021, 3.28 milyong Filipino ang walang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.