Pagiging tapat sa Konstitusyon at pagpapairal ng rule of law, mensahe ng Ombudsman ngayong Independence Day

MoralesHiniling ni Ombudman Conchita Carpio-Morales sa mga Pilipino na manatiling tapat sa Konstitusyon at pairalin ang rule of law.

Ito ang laman ng Independence Day message ni Morales na nanguna sa aktibidad sa Kawit, Cavite, kung saan unang ideneklara ang kalayaan ng bansa mula sa mga Espanyol isandaan at labing walong taon na ang nakalilipas.

Giit ni Morales, mahalagang mapanatili ang rule of law.

Pero agad na nilinaw ni Morales na wala siyang sinumang pinatutungkulan, lalo na si President-elect Rodrigo Duterte, na ikinukunsidera ang pag-amyenda sa Saligang Batas at nangakong hahabulin ang mga kriminal kahit pa umabot sa puntong kailangan silang patayin.

Hinimok din ni Morales ang publiko na bigyan ng tsansa si Duterte na tuparin ang kanyang pangakong “metamorphose” o kakaibang pagbabago sa kanyang pormal na pag-upo bilang Pangulo sa June 30.

Read more...