Mayor Erap sa pagsipol ni President-elect Duterte sa lady reporters: Baka gusto lamang niyang magpatawa

By Isa Avendaño-Umali June 12, 2016 - 03:36 PM

Joseph-EstradaPara kay reelected Manila Mayor Joseph Estrada, maaaring gusto lamang ni President-elect Rodrigo Duterte na magpatawa ng mga tao kaya siya sumipol o nag-wolf whistle sa nakalipas nitong press conference.

Yan ang naging sagot ni Estrada nang matanong hinggil sa kontrobersyal na pagsipol ni Duterte sa ilang lady reporters sa dalawang magkahiwalay na presscon nito, na umani naman ng pambabatikos.

Sa panayam kay Estrada matapos ang Independence Day celebration sa Rizal Park, binanggit ng dating Presidente ang kasabihang “a day without laughter is a day wasted.”

Sa sitwasyon aniya ni Duterte, posibleng nagpapatawa lamang siya para hindi raw ma-sayang ang araw.

Sa kabila nito, sinabi ni Estrada na marapat na abangan na lamang ng lahat ang ipinangakong pagbabago ni Duterte sa oras na maupo na siya sa Palasyo ng Malakanyang.

Maraming nakapansin ng ilang pagkakapareho nina Duterte at Estrada, lalo na pagdating sa maanghang nilang pahayag.

Subalit ayon kay Mayor Erap, kung mayroon man parehas sila, ito’y ang kanilang karanasan bilang alkalde.

TAGS: manila mayor joseph estrada, Rodrigo Duterte, manila mayor joseph estrada, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.