Recruitment agency ni Jullebee Ranara ‘nasabon’ sa Senate probe
Inutil.
Ito ang ginawang pagsasalarawan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pagbabantay kay Jullebee Ranara, ang overseas Filipina worker (OFW) na brutal na pinatay sa Kuwait kamakailan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers, sinabi ni Villanueva na nabigo ang Catalist Manpower Services, ang recruitment agency na nagpadala kay Ranara sa Kuwait, na i-monitor ang kalagayan ng biktima.
“Your monitoring is ineffective. Inutil yung monitoring niyo. You say everyday you check, you monitor the day before she died, ganito yung situation,” diin ni Villanueva.
Nabanggit ng senador na nakakapagsumbong si Ranara sa kanyang mga magulang.
Ngunit sabi ni Atty. David Castillon, abogado ng Catalist, na wala silang natanggap na sumbong mula kay Ranara.
Sinabi naman ni Sen. Raffy Tulfo, ang namumuno sa komite, dapat ay maging lingguhan o dalawa o isang beses, ang pag-monitor sa kalagayan ng OFWs.
Ngayon kada tatlong buwan o apat na beses sa isang taon ang monitoring sa OFWs sa Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.