Deportation ng apat na Japanese nataon lang sa Japan visit ni Pangulong Marcos

By Chona Yu February 08, 2023 - 06:52 PM

 

Nagkataon lamang ang pagpapadeport sa apat na Japanese national na sangkot sa serye ng robbery sa Japan ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam ng Philippine Media Delegation habang sakay ng PR 001 patungo ng Japan, sinabi ng Pangulo na bago pa man plinano ang pagbisita sa Japan, sumasailalim na sa proseso ang pagpapa-deport sa apat na Japanese na tinaguriang “Luffy” robbery.

“Nagkataon lang. It is just by coincidence that it happened,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na hindi naman makasasakit sa relasyon ang pagpapdeport sa apat na Japanese dahil request o hiniling naman ito ng pamahalaan ng Japan bagay na pinagbigyan ng Pilipinas.

Umaasa ang Pangulo na magbibigay daan ito para sa pag-uusap sa panig ng Japan.

Sinabi pa ng Pangulo, hindi na idinaan sa extradition kundi idinaan na lamang sa deportation ang apat na Japanese.

 

TAGS: deport, Ferdinand Marcos Jr., japanese, news, Radyo Inquirer, deport, Ferdinand Marcos Jr., japanese, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.