Pangulong Marcos Jr., biyaheng Japan para sa working visit

BONGBONG MARCOS PHOTO

Tumulak na patungong Japan si Pangulong  Marcos Jr., para sa official working visit.

Target ng Punong Ehekutibo na makapag uwi ng negosyo mula sa Japan para sa sektor ng agrikultura, renewable energy, digital transformation, defense at infrastructure.

“My bilateral visit to Japan is essential and is part of a larger foreign policy agenda to forge closer political ties, stronger defense, and security cooperation, as well as lasting economic partnerships with major countries in the region amid a challenging global environment,” pahayag ng Pangulo.

Makikipagpulong ito kay  Japanese Prime Minister Fumio Kishida para mapatatag pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Lalagdaan din ng dalawang lider ang ilang mahalagang kasunduan sa humanitarian assistance at disaster relief, infrastructure, agriculture at digital cooperation.

Makikipagkita rin si Pangulong Marcos Jr., kay Emperor Naruhito.

Makikipagpulong din ang Pangulo sa Japan’s business leaders at Filipino community.

“In these meetings, I will be joined by my economic team and key private sector representatives who have been and will be continuously our partners in growing the Philippine economy,” aniya.

Read more...