Bangka nagka-aberya sa Tawi-Tawi, 68 sakay nailigtas ng PCG

By Chona Yu February 08, 2023 - 12:53 PM

PCG PHOTO

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 57 na pasahero at 11 tripulante na sakay ng nagkaaberyang  M/L Sulna sa karagatan ng Pandacan Point, Basilan ngayong umaga.

Ayon sa PCG, nakatanggap ng tawag ang kanilang opisina sa  District Southwestern Mindanao na nagpapasaklolo ang bangka.

Agad naman na nagpadala ang PCG ng BFAR vessel, MCS-3007 para magsagawa ng search at rescue (SAR) operations.

Base sa salaysay ng mga crew, nagkaaberya ang making habang bumibiyahe mula Zamboanga City patungo ng Taganak, Tawi-Tawi.

Hinatak na ng PCG ang bangka patungo sa Zamboanga City Port.

TAGS: bangka, coast guard, rescue, bangka, coast guard, rescue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.