Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P326. 97 milyong pondo para sa productivity enhancement ng mga magsasaka na nasa industriya ng sibuyas.
Inilaan ang pondo base na rin sa utos ni Pangulong Marcos Jr, na nagsisilbing kalihim ng kagawaran, at ito ay mula sa High Value Crops Development Program (HVCDP) ng DA.
Sa naturang pondo, P69.949 milyon ang inilaan sa onion production support services, kasama ang provision of seeds, seedlings, at iba pang farm inputs; P3.2 milyon ang inilaan para sa irrigation network facilities; at P1.9 milyon para ss extension support, education, at training.
Naglaan din ng P6.486 milyon para sa farm production-related machinery at equipment distribution; P2.359 milyon para sa production facilities; at P2.5 milllyon para sa postharvest at processing equipment at machinery distribution.
Pitong onion cold storage facilities na nagkakahalaga ng P240.575 milyon ang ilalagay kada taon sa mga key production areas.
Ang cold storage facilities ana may 10,000-bag capacity ay mapakikinabangan ng mga magsasaka ng Pangasinan Onion Growers Association sa Umingan, Pangasinan at Federation of Aritao Farmers Onion, Garlic at Ginger Association sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Mayroon ding 20,000-bag capacity cold storage facilities ang ibibigay sa New Hermosa Farmers Association sa Hermosa, Bataan; Nagkakaisang Magsasaka Agricultural MPC sa Talavera, Nueva Ecija; at Valiant Primary Multipurpose Cooperative sa Bongabon, Nueva Ecija.
Makatatanggap naman ng 200-bag capacity na cold storage facilities ang mga magsasaka sa Salvacion United Farmers Multi-Purpose Cooperative at Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Multi-Purpose Cooperative sa Rizal at Sablayan, Occidental Mindoro.
Sampung farmers’ cooperatives at associations (FCAs) mula sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) region ang makatatanggap ng financial grant na aabot sa P40 milyon sa pamamagitan ng DA Enhanced Kadiwa: Sagip Sibuyas Project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.