Public school teachers humirit ng dagdag sahod sa pagsirit ng inflation

Hinirit muli ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)  ang pagtaas sa sahod ng mga pampublikong guro dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hirit ng grupo nagkamali ang administrasyon sa kalkulasyon na bubuti na ang inflation sa bansa at anila patunay na wala pang nagagawa ang mag opisyal.

“The government is obviously not on top of things, it being unable to correctly predict the inflation rate, much more manage the economy to alleviate our hardships,” ani ACT chairperson Vladimer Quetua.

Binanggit nito ang naunang pahayag ng gobyerno ay bababa sa 7-5% hanggang 8.3% ngunit inanunsiyo kahapon ng Philippine Statitisc Office (PSA) na 8.7% ang nairehistrong inflation rate sa unang buwan ng taon.

“Ilang buwan na tayong pinapaasa ng pamahalaan na bababa na umano ang inflation rate at maiibsan na ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin, pero tuloy pa rin itong tumataas,” ani Quetua.

Dagdag pa nito; “Tumatanggi sila sa pagtataas ng sahod at sinasabing kaunting panahon na lamang ang ating pagtitiis. But obviously there is no respite in sight from this quandary but through substatial pay hike.”

Dapat aniya pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapataas ng suweldo ng mga nasa gobyerno sa halip na pag-amyenda sa Saligang Batas.

 

 

 

 

 

Read more...