Inanunsiyo ngDepartment of Agriculture (DA) na P125 ang suggested retail price (SRP) na bawat kilo ng imported na sibuyas na ipagbibili sa mga palengke sa Metro Manila.
Nagtakda ang DA ng SRP para maiwasan ang overpricing sa mga inangkat sa sibuyas.
“[I]n order not to aggravate the current difficulties of the Filipino people affected by the pandemic and rising fuel prices, there is a need to guide the consuming public on the reasonable prices of basic necessities in the market,” ayon sa Administrative Circular No. 5, ng DA na may petsang Pebrero 6.
Samantala, ang mga lokal na sibuyas ay mabibili sa halagang P230 hanggang P320 kada kilo.
Epektibo ang SRP ng 6o araw maliban na lamang kung baguhin o bawiin.
Base sa monitoring, mabibili ang imported na sibuyas ng P180 hanggang P260 kada kilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.