Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na plano na niyang magretiro sa pulitika pagkatapos ng kanyang termino bilang mambabatas sa 2028.

Sinabi niya ito sa pagdinig sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), isang free-trade agreement ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Bagamat matindi ang oposisyon sa RCEP ng ilang grupo ng mga magsasaka, sinabi ni Zubiri na may isang dekada pa ang sektor ng agrikultura para sa lubos na pagpapatupad ng kasunduan kapag ito ay naratipikahan.

“If we do not improve within those 10 years, then talagang shame on us as a country,” aniya sabay banggit: “That’s 2033, I won’t even be in politics anymore, I’m gonna retire after this term.”

Nasa huling termino na ng kanyang termino si Zubiri matapos mahalal sa panibagong anim na taon noong 2022.

Read more...