2 Japanese fugitives pinabalik na ng Japan

By Jan Escosio February 07, 2023 - 11:25 AM
(DOJ photo) Personal na tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na makakabalik na ng Japan ang dalawa sa apat na Japanese fugitives.   Nagtungo sa NAIA Terminal 1 si Remulla para matiyak na maisasakay ng Japan Airlines ang kapwa 38-anyos na sina  Kiyoto Imamura at Toshiya Fujita.   Kinumpirma din ni Remulla na dumating kagabi ang 16 imbestigador ng Tokyo Metropolitan Police at ilan sa kanila ang magsisilbing escort nina Imamura at Fujita pabalik ng Japan.   Sinabi din ng kalihim na ibibigay na rin ng DOJ, sa pamamagitan ng Bureau of Immigration, sa Tokyo Police at Embassy of Japan ang 24 gadgets, kabilang ang mobile phones, na nakumpiska sa apat sa kanilang kulungan sa pasilidad ng BI sa Taguig City.   Base sa mga ulat ng Japanese media, ang gadgets ang ginamit ng apat para maipagpatuloy ang kanilang modus sa Japan kahit sila ay nasa kulungan.   Maiiwan naman muna sa Pilipinas sina Yuki Watanabe, ang kinikilalang lider ng grupo at si Tomonobu Kojima na may pagdinig pa sa kanilang kaso sa isang korte sa Pasay City ngayon araw.   Ayon kay Remulla, hinaharang ng mga abogado ng dalawa ang kanilang mosyon na ibasura na ng korte ang mga kaso upang sila ay maibalik na rin sa Japan.   Ito aniya ay paraan na lamang upang hindi pa maibalik sa Japansina Watanabe at Kojima.   Umaasa si Remulla na ngayon araw ay ibabasura na ang mga kaso at kapag nangyari ito, bukas ay ibabalik na rin ng Japan sina Watanabe at Kojima.   Ito ang dahilan aniya kayat may mga tauhan pa ng Tokyo Metropolitan Police ang naiwan sa bansa.

TAGS: deport, japanese, news, Radyo Inquirer, deport, japanese, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.