Inflation sa buwan ng Enero pumalo sa 8.7 percent

By Chona Yu February 07, 2023 - 11:23 AM
Bumilis pa ang inflation sa bansa sa buwan ng Enero. Ayon sa Philippine Statistics Authority, pumalo sa 8.7 percent ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon sa PSA, kaya bumilis ang inflation dahil sa mas mataas na rental, electric at water rates. Bukod dito, patuloy din ang pagtaas ng presyo ng gulay at iba pang uri ng pagkain. Nabatid na ang 8. 7 percent ang pinakamataas na inflation mula noong Nobyembre 2008 at mas mabilis sa 8.1 percent na naitala noong Disyembre. Nabatid na ang naitala ng inflation noong Enero ay lagpas pa sa estimate ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 7.5 hanggang 8.3 percent. Ayon sa PSA, ang housing, water, electricity, gas, fuel sat iba pa ang nag pataas sa inflation. Isa pa sa major contributor ng inflation ang  food at non-alcoholic beverages na pumalo sa 10.7 percent inflation mula sa 10.2 percent noong Disyembre 2022. Lumobo ang food inflation sa 11.2 percent noong Enero mula sa  10.6 percent Noong Disyembre. Tumaas din ang presyo ng gulay ng 37.8 percent noong Enero mula sa  32.4 percent noong Disyembre.. Tinatayang nasa 4.5 percent ang average inflation sa taong 2023.

TAGS: Enero, Inflation, news, Radyo Inquirer, Enero, Inflation, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.