Panukalang mandatory ROTC lulusot ngayon taon – Bato

Tiwala si Senator Ronald  dela Rosa na mapapagtibay ng Kongreso ang panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program ngayong taon. Kapag nangyari ito, ayon sa senador, sa susunod na taon ay maisasama na sa taunang budget ng Department of National Defense (DND) ang kinakailangan na pondo para sa pagkasa ng programa sa 2024. Matapos pamunuan muli ang pagdinig sa panukala, sinabi nito na target niya na mailatag na sa plenaryo ang final committee report bago ang Holy Week break ng Kongreso sa Marso. Pinawi din nito ang mga takot na maabuso ang mandatory ROTC program dahil mayroong bubuuhin ang DND, CHED at TESDA na grievance board na siyang magmomonitor sa mga posibleng pagmamalabis at magsasagawa rin ng motoproprio investigation para rito. Sinisiguro rin ng mambabatas na ‘best of the best’ na AFP officer ang kanilang itatalaga sa mga paaralan na magsasanay sa mga kabataan sa ROTC.   Paglilinaw din ng senador, walang exemption o lusot sa nasabing programa ang lahat ng mga estudyante dahil ito ay gagawing requirement bago makapagtapos sa kolehiyo ang estudyante.   Maliban na lamang aniya kung may sakit, labag sa paniniwala o relihiyon ng estudyante ang programa.

Read more...