Isa pang OFW naparalisa dahil sa kalupitan ng amo sa Kuwait, ayon kay Sen. Raffy Tulfo

By Jan Escosio February 07, 2023 - 09:21 AM

Photo credit: Senator-elect Raffy Tulfo/Facebook
Paralisado ngayon ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos mahulog sa bahay sa Kuwait sa kagustuhan na matakasan ang amo sa Kuwait.   Ito ang pagbabahagi ni Sen. Raffy Tulfo at aniya nahulog si Myra Balbag mula sa ikatlong palapag ng bahay ng mapang-abusong amo.   Bunga nito, inulit ng namumuno sa Senate Committee on Migrant Workers ang kanyang panawagan na deployment ban ng OFWs sa Kuwait.   Iginigit ng senador na kailangan ay magkaroon muna ng konkreto at malinaw na pag-uusap para magarantiyahan ang proteksyon ng OFWs bago magpadala ng mga bagong Filipino na magta-trabaho sa bansa bilang domestic household service workers.   Noong nakaraang araw ng Linggo, inilibing na si Jullebee Ranara, ang OFW na brutal na pinatay ng anak ng amo sa Kuwait.   Nais ni Tulfo na sumailalim sa neuro-psychiatric test ang mga Kuwait nationals na nais kumuha ng serbisyo ng mga Filipino para malaman ang kondisyon ng kanilang pag-iisip.

TAGS: kuwait, news, ofw, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, kuwait, news, ofw, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.