Mga tinamaan ng sakit na Sexually Transmitted Infection sa Quezon City, tumaas ng 69.23 percent

By Chona Yu February 07, 2023 - 08:32 AM

 

Aabot sa 2,750 na kaso ng Sexually Transmitted Infection (STI) ang naitala sa Quezon City.

Ayon sa Social Hygiene Clinics at Sundown Clinics, naitala ang naturang bilang mula Enero hanggang Disyembre 2022.

Mas mataas ito ng 1,125 o 69.23 percent kumpara noong 2021.

Karamihan sa mga kaso ay mga lalaki na nasa 1,877 0 68.3 percent.

Nabatid na ang pinakakaraniwang STI Case ay Gonorrhea na may 1138 o 64.45 percent.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagbibigay ng Libreng HIV Testing, Counselling at Sexually Transmitted Infection (STI) Consultation sa Quezon City.

Para sa mga nagnanais na magpakonsulta, maaring kumuha ng appointment sa:

  1. Isearch ang link na ito https://bit.ly/QCFreeHIVTest
  2. Sagutan ang COVID-19 Self Screening
  3. Piliin ang Quezon City at Klinika na gustong puntahan.
  4. Pumili ng araw at oras.
  5. Antayin lamang ang text message o tawag, 1 hanggang 2 araw.

Para sa katanungan o appointment, maaaring tumawag sa:

02-8703 2759

02-8703 4398

0999 229 0751

 

TAGS: news, quezon city, Radyo Inquirer, std, news, quezon city, Radyo Inquirer, std

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.