Sen. Pia Cayetano naalarma sa kaakit-akit na ‘vape products’

Nagpahayag ng kanyang labis na pagkabahala si Senator Pia Cayetano sa mga naglalabasang disenyo at flavors ng e-cigarettes at vape products.   Paniwala ni Cayetano, ang mga kabataan ang target ng mga kaakit-akit na mga produkto.    “We can’t close our eyes to the fact that these products which we have legalized weakened the regulation and is now out there. So, I will continue to bring this to the body’s attention so that we can do our little part in ensuring that it does not do further damage to the youth and to the Filipino people,” ani Cayetano.   Sa kanyang privilege speech, sa pagpasa sa RA 11900 o Vape Law, nawala ang mga probisyon sa Sin Tax Reform Act of 2020 na nagsisilbing proteksyon sa bisyo.
  Aniya bilang namumuno sa Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking, nais niya matiyak ang maayos na kalusugan at pamumuhay ng bawat Filipino. Pagbabahagi niya, may 2.7 milyong Filipino ang gumagamit na ng e-cigarette at vaping devices, na base sa ulat ay may nakakasama kaysa sa paninigarilyo. Dagdag pa ni Cayetano, noong 2020, nakapagtala ng 2,807 kaso ng pagkakasakit sa baga at 68 ang namatay diumano dahil sa paggamit ng mga naturang produkto.

Read more...